BannerFans.com

Tuesday, January 18, 2011

Safety Tips In Garage


Here are some basic safety tips when working on your car or motorcycle in the garage or automotive shop.

1. Support the vehicle properly – Don't go cheap and use some homemade jack to raise your car up off the ground and don't use the bottle jack that comes with your car to lift it up and then crawl under it. First use a good floor jack that can support at least 1 ½ tons. Once your car is in the air, use some good jack stands to keep it there. Never crawl under a raised automobile weighing several tons without the proper support.

2. Wear proper safety gear – This one seems obvious, but most mechanics just grab some air tools and go to work. Safety glasses are cheap and will save your eyes from falling debris. It only takes a little metal shaving to stick in your eye and cause a lot of damage. Mechanic's gloves are also becoming very popular. They are thin enough to allow a mechanic to feel bolts and tools and they still provide protection. How many bloody knuckles have you gotten from smashing your hand on the engine block?

Saturday, November 6, 2010

ALAMAT NG TANDANG


Si Sidapa na Bathala ng Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga Datu upang mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang baranggay. Alam si Sidapa na sa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang susi upang hindi matuloy ang alin mang digmaan.
            Sumusikat pa lang ang araw ay nakapila na ang maraming puno ng baranggay. Si Sidapa ang nagpapayo upang mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang lugar.
            May mga pagkakataong hindi kaagad nakakasangguni nag mga datu. Nagkalaban ang mga puno. Kapag nangyari ito, nauuwi sa digmaan ang mga barangay.
            Matutulis sa sibat ang karaniwang panlaban ng mga mandirigma. Kapag may nasusugatan o namamatay sa labanan, lubos na nalulungkot si Sidapa.
            Kapag napagkakasundo ni Sidapa ang nagkakahidwaang mga raha ay natutuwa siya. Naliligayahan siyang nagbibigayan at may respeto sa isa’t-isa ang bawat datu. Naniniwala si Sidapa na kapag may digmaan ay walang pag-iibigan. Na kapag may pag-iibigan ay walang digmaan. Lagi niyang pangarap na nag-uusadp-isap ang lahat at naggagalangan.
            Sa dami ng mga mamamayan, datu at mga baranggay sa bayan, at sa dami rin ng problema na inihahain kay Sidapa. Kailangan ding may gigising sa kanya tuwing madaling araw bilang hudyat na may mga datu nang naghahain ng problema.
            Isa sa mga sundalo ni Sidapa ang nagprisintang orasan niya. Obligasyon niyang paalalahanan si Sidapa na oras na ng pagkain, o oras nang tapusin ang isang pulong, o oras nang humarap sa ilang bisita, o oras nang magbigay desisyon sa isang problema. Pinakamahirap na gawin ng Sndalong Orasan ang paggising nang napakaaga tuwing madaling araw. Noong unang mga lingo ay lagging napakaaga niyang gumising pero kapag napapakuwento siya sa mga kapwa sundalo ay bahagya siyang nahuhuli sa paggising kay Sidapa.
            Mapagpasensiya ang Bathala niya. Lagi nitong pinagbibigyan ang sundalong orasan. Upang ganahan sa rabaho ay dinagdagan ni Sidapa ang mga insentibo nitong pilak, damit at pagkain para sa pamilya.
            Tuwang-tuwa naman ang sundalong orasan pero mahina itong manindigan. Sa kaunting aya ng mga kaibigan ay natatangay siya upang uminom ng alak. Hindi lamang isa od dalawang kopita, kundi maraming akal na nagpapalasing sa kanya.
            Sa pagkalasing ay naibalita pa niya sa ilang kawal ng naglalabang tribo ang mga sekritong pandigmaang di dapat na ipaalam. Galit na galit si Sidapa. Maraming hindi pagkakaunawaan ang naganap dahil hindi siya ginigising ng orasang sundalo sa madaling araw.
            Nang magpatuloy ang isang madugong digmaan ng dalawang malaking baranggay ay ipinatawag ni Sipada ang orasang Bathala.
            Lasing na lasing ang orasang sundalo nang humarap sa kanyang Bathala.
            “Ikaw ang dahilan sa mudugong digmaang sana ay naiwasan.”
            “Pa…patawad po, Bathalang Sipada .”
            “Pinagbigyan na kita nang ilang ulit! Marami ang namatay dahil sa iyong kapabayaan. Wala kang utang na loob ang mga lihim pandigmaan at pangkapayapaan ay ipinaalam mo sa lahat ang obligasyon mong gisingin ako sa madaling araw ay hindi mo pinahalagahan. Bilang parusa, magiging isang hayop kang walang gagawin kundi gisingin ang daigdig tuwing nagmamadaling araw!”
            Sa isang kisapmata ang sundalong orasan ay lumiit nang lumiit. Nagkabalahibo ito sa buong katawan. Naging pakpak ang mga kamay at nagkatahid ang mga paa. Sa halip na magsalita at tumilaok itong parang manggising.
            Sa sobrang kahihiyan, lumipad papalabas ng tahanan si Sidapa ang sundaong orasan na nagmula noon ay tinawag na tandang. Ang Tandang na tumitilaok sa madaling araw ang nagpapaalalang siya ang unang tagagising ng sandaigdigan.
            Ito naman ang pinagmulan ng Alamat ng Tandang.

MARIANG SINUKUAN


Noong ikalabing-walong dantaon sa bundok ng Arayat ay may isang diwatang engkantada. Siya ay napakaganda, ang katawan niya ay balingkinitan at ang buhok ay kulot at mahaba. Mahaba ang kanyang pilik mata malantik ang kilay. Ang ilong niya ay katamtaman ang tangos. Ang labi ay mala rosas at ang balat ay kayumanggi kaligatan. Nakasuot siya ng manipis at nanganganinag kaya litaw ang magandang hugis ng katawan. Kung anong ganda ang kanyang anyo, ay lalong maganda ang kanyang ugali. Siya ay malubagin at maunawain at lagging handing dumamay sa kanyang kapwa.
            Natatamnan ng iab’t-ibang uri ng punongkahoy at naglipana rin ang mga hayop doon. At ang pinagtatakhan ng mga tao sy kung bakit malalaki ang mga bungangkahoy at maamo ang mga hayop. Pag-aari ni Maria ang mga punongkahoy at mga hayop sa arayat. Ang mga bungangkahoy at mga hayop ay ipinamimigay niya sa mahihirap na tao. Pag-gising nila sa umaga ang mga bungangkahoy ay nasa hagdanan na lang nila. Alam nilang iyon ay inilagay doon ni Maria habang sila ay natutulog pa.
            Subalit paglipas ng panahon ang mga tao’y nagbago at naging sakim. Hindi sila makuntento sa ipinagkakaloob sa kanila. Ibig nila ay marami pang bagay ang kanilang makamtan. Minsan nagkaisa ang mga kalalakihan na puntahanat akyatin ang bundok ng Arayat. Sa paanan palang ng bundok ay naroroon ang mga punong hitik sa bunga. Ang mga iba’t-ibang uri ng hayop ay naggala sa paligid. Ang mga tao ay abalang-abala pagpapasasa sa mga bungang kahoy nang dumating si Maria. Silang lahat ay ngaulat dahil sa nakasisilaw na liwanag naa nakapaligid kay Maria. Silang lahat ay natakot.
            Unang nagsalita si Maria, “mga lalaki, kayo’y aking tinatanggap sa kaing bakuran, kayo ay maaring manguha ng punongkahoy. Kumain kayo hanggang gusto ninyo, subalit huwag lang sana kayong mag-uwi ng anuman na wala akong pahintulot,” at pagkaraan ay naglaho ang engkantada. Ang mga tao’y namitas ng mga bungangkahoy at nagpakabusog, nanghuli ng mga hayop. Binaliwala nila ang babala ni Maria na huwag silang mag-uwi ng kahit ano. Bumaba sila mula sa nundok. Nagtataka sila kung bakit ang pasan-pasan nilang mga sako ay pabigat ng pabigat. Nang ibaba nila at buksan, nakita nilang ang laman ng mga sako ay bato. Saka nila naalaala ang banta ni Maria. Ngunit bago sila nakababa. “Mga walang hiya! Kayo’y tinulungan ko sa sandali ng inyong kagipitan iyan pa ang igaganti niyo sa akin. Sapagkat kayo ay matatakaw, kayo’y gagawin kong mga baboy.” Iniwaswas ni Maria ang kanyang baston at ang mga tao ay ngaing baboy. Nagmalaki pa ang mga tao kaya’t itinigil na ni Maria ang pagbibigay ng tulong sa kanila. Sa paniwalang ang hinihiling ni Maria ay sa kabutihan din nila, sumuko sila kay Maria at mula noon ay nakilala na si Mariang Sinukuan.