Noong ikalabing-walong dantaon sa bundok ng Arayat ay may isang diwatang engkantada. Siya ay napakaganda, ang katawan niya ay balingkinitan at ang buhok ay kulot at mahaba. Mahaba ang kanyang pilik mata malantik ang kilay. Ang ilong niya ay katamtaman ang tangos. Ang labi ay mala rosas at ang balat ay kayumanggi kaligatan. Nakasuot siya ng manipis at nanganganinag kaya litaw ang magandang hugis ng katawan. Kung anong ganda ang kanyang anyo, ay lalong maganda ang kanyang ugali. Siya ay malubagin at maunawain at lagging handing dumamay sa kanyang kapwa.
Natatamnan ng iab’t-ibang uri ng punongkahoy at naglipana rin ang mga hayop doon. At ang pinagtatakhan ng mga tao sy kung bakit malalaki ang mga bungangkahoy at maamo ang mga hayop. Pag-aari ni Maria ang mga punongkahoy at mga hayop sa arayat. Ang mga bungangkahoy at mga hayop ay ipinamimigay niya sa mahihirap na tao. Pag-gising nila sa umaga ang mga bungangkahoy ay nasa hagdanan na lang nila. Alam nilang iyon ay inilagay doon ni Maria habang sila ay natutulog pa.
Subalit paglipas ng panahon ang mga tao’y nagbago at naging sakim. Hindi sila makuntento sa ipinagkakaloob sa kanila. Ibig nila ay marami pang bagay ang kanilang makamtan. Minsan nagkaisa ang mga kalalakihan na puntahanat akyatin ang bundok ng Arayat. Sa paanan palang ng bundok ay naroroon ang mga punong hitik sa bunga. Ang mga iba’t-ibang uri ng hayop ay naggala sa paligid. Ang mga tao ay abalang-abala pagpapasasa sa mga bungang kahoy nang dumating si Maria. Silang lahat ay ngaulat dahil sa nakasisilaw na liwanag naa nakapaligid kay Maria. Silang lahat ay natakot.
Unang nagsalita si Maria, “mga lalaki, kayo’y aking tinatanggap sa kaing bakuran, kayo ay maaring manguha ng punongkahoy. Kumain kayo hanggang gusto ninyo, subalit huwag lang sana kayong mag-uwi ng anuman na wala akong pahintulot,” at pagkaraan ay naglaho ang engkantada. Ang mga tao’y namitas ng mga bungangkahoy at nagpakabusog, nanghuli ng mga hayop. Binaliwala nila ang babala ni Maria na huwag silang mag-uwi ng kahit ano. Bumaba sila mula sa nundok. Nagtataka sila kung bakit ang pasan-pasan nilang mga sako ay pabigat ng pabigat. Nang ibaba nila at buksan, nakita nilang ang laman ng mga sako ay bato. Saka nila naalaala ang banta ni Maria. Ngunit bago sila nakababa. “Mga walang hiya! Kayo’y tinulungan ko sa sandali ng inyong kagipitan iyan pa ang igaganti niyo sa akin. Sapagkat kayo ay matatakaw, kayo’y gagawin kong mga baboy.” Iniwaswas ni Maria ang kanyang baston at ang mga tao ay ngaing baboy. Nagmalaki pa ang mga tao kaya’t itinigil na ni Maria ang pagbibigay ng tulong sa kanila. Sa paniwalang ang hinihiling ni Maria ay sa kabutihan din nila, sumuko sila kay Maria at mula noon ay nakilala na si Mariang Sinukuan.
Your post is very helpful for my class. I hope you continue sharing with us your talent. May God bless you always
ReplyDeleteMerkur 37C Safety Razor Review – Merkur 37C
ReplyDeleteThe Merkur 37c is an excellent short handled DE safety razor. It https://sol.edu.kg/ is more suitable ventureberg.com/ for both heavy and non-slip hands deccasino and is www.jtmhub.com therefore a great option for experienced https://vannienailor4166blog.blogspot.com/