Saturday, November 6, 2010

ALAMAT NG TANDANG


Si Sidapa na Bathala ng Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga Datu upang mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang baranggay. Alam si Sidapa na sa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang susi upang hindi matuloy ang alin mang digmaan.
            Sumusikat pa lang ang araw ay nakapila na ang maraming puno ng baranggay. Si Sidapa ang nagpapayo upang mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang lugar.
            May mga pagkakataong hindi kaagad nakakasangguni nag mga datu. Nagkalaban ang mga puno. Kapag nangyari ito, nauuwi sa digmaan ang mga barangay.
            Matutulis sa sibat ang karaniwang panlaban ng mga mandirigma. Kapag may nasusugatan o namamatay sa labanan, lubos na nalulungkot si Sidapa.
            Kapag napagkakasundo ni Sidapa ang nagkakahidwaang mga raha ay natutuwa siya. Naliligayahan siyang nagbibigayan at may respeto sa isa’t-isa ang bawat datu. Naniniwala si Sidapa na kapag may digmaan ay walang pag-iibigan. Na kapag may pag-iibigan ay walang digmaan. Lagi niyang pangarap na nag-uusadp-isap ang lahat at naggagalangan.
            Sa dami ng mga mamamayan, datu at mga baranggay sa bayan, at sa dami rin ng problema na inihahain kay Sidapa. Kailangan ding may gigising sa kanya tuwing madaling araw bilang hudyat na may mga datu nang naghahain ng problema.
            Isa sa mga sundalo ni Sidapa ang nagprisintang orasan niya. Obligasyon niyang paalalahanan si Sidapa na oras na ng pagkain, o oras nang tapusin ang isang pulong, o oras nang humarap sa ilang bisita, o oras nang magbigay desisyon sa isang problema. Pinakamahirap na gawin ng Sndalong Orasan ang paggising nang napakaaga tuwing madaling araw. Noong unang mga lingo ay lagging napakaaga niyang gumising pero kapag napapakuwento siya sa mga kapwa sundalo ay bahagya siyang nahuhuli sa paggising kay Sidapa.
            Mapagpasensiya ang Bathala niya. Lagi nitong pinagbibigyan ang sundalong orasan. Upang ganahan sa rabaho ay dinagdagan ni Sidapa ang mga insentibo nitong pilak, damit at pagkain para sa pamilya.
            Tuwang-tuwa naman ang sundalong orasan pero mahina itong manindigan. Sa kaunting aya ng mga kaibigan ay natatangay siya upang uminom ng alak. Hindi lamang isa od dalawang kopita, kundi maraming akal na nagpapalasing sa kanya.
            Sa pagkalasing ay naibalita pa niya sa ilang kawal ng naglalabang tribo ang mga sekritong pandigmaang di dapat na ipaalam. Galit na galit si Sidapa. Maraming hindi pagkakaunawaan ang naganap dahil hindi siya ginigising ng orasang sundalo sa madaling araw.
            Nang magpatuloy ang isang madugong digmaan ng dalawang malaking baranggay ay ipinatawag ni Sipada ang orasang Bathala.
            Lasing na lasing ang orasang sundalo nang humarap sa kanyang Bathala.
            “Ikaw ang dahilan sa mudugong digmaang sana ay naiwasan.”
            “Pa…patawad po, Bathalang Sipada .”
            “Pinagbigyan na kita nang ilang ulit! Marami ang namatay dahil sa iyong kapabayaan. Wala kang utang na loob ang mga lihim pandigmaan at pangkapayapaan ay ipinaalam mo sa lahat ang obligasyon mong gisingin ako sa madaling araw ay hindi mo pinahalagahan. Bilang parusa, magiging isang hayop kang walang gagawin kundi gisingin ang daigdig tuwing nagmamadaling araw!”
            Sa isang kisapmata ang sundalong orasan ay lumiit nang lumiit. Nagkabalahibo ito sa buong katawan. Naging pakpak ang mga kamay at nagkatahid ang mga paa. Sa halip na magsalita at tumilaok itong parang manggising.
            Sa sobrang kahihiyan, lumipad papalabas ng tahanan si Sidapa ang sundaong orasan na nagmula noon ay tinawag na tandang. Ang Tandang na tumitilaok sa madaling araw ang nagpapaalalang siya ang unang tagagising ng sandaigdigan.
            Ito naman ang pinagmulan ng Alamat ng Tandang.

No comments:

Post a Comment